ARKASIA formerly known as ROCKSTAR

Forums

Post Reply
Forum Home > General Discussion > Info naman po dyan papano nag start hangang sa nag disbanded ang banda?

wishing_heart
Member
Posts: 13

tanong para po sa admin

November 16, 2010 at 10:24 AM Flag Quote & Reply

Abner
Administrator
Posts: 33

Ang daming sumisikat ngayon na banda sa pilipinas kahit walang kwenta! Sana makabalik na sa ere ang arkasia!!! :)

--


November 17, 2010 at 9:32 AM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

tama....:lol: ...yung iba ni-revive pa huwag na sana at parting time.

--
November 17, 2010 at 7:28 PM Flag Quote & Reply

wishing_heart
Member
Posts: 13

salamat mam.. wala kasi sila kahit wikipedia man lang sa net..



November 18, 2010 at 4:57 AM Flag Quote & Reply

wishing_heart
Member
Posts: 13

may idadag paba si sir norman saka kuya rodel jan?

November 18, 2010 at 4:58 AM Flag Quote & Reply

BRANDY
Moderator
Posts: 13

Hayzzz...yan ang nakakalungkot dito sa PINAS..kahit sa saan,kapag napolitika ka,tsugi ka.

most of the 90's OPM BAND na disband na dahil sa systema ng music industry dito.


pakinggan mo ang quality ng opm ngayon????PURO REVIVALS from 90's hits opm...

kahit sintunado,arangkada pa rin at dinadaan nalang sa RAP?????.

ngekkkk SO COMMERCIAL...:(


buti nalang may naitago akong TAPES ng ROCKSTAR/ARKSIA...:/


kahit yong PARTING TIME,dami pa rin nagtatanong sa akin kung PUTI ba daw kumanta???:(

kasi lasang ABROAD daw..sabi ko,PUTI(malinis) ang hangarin ng ROCKSTAR/ARKASIA dahil silay PINOY...:lol:


kaya,pagmatuloy ang reunion ng ROCKSTAR/ARKASIA,im sure matauhan muli ang music industry

dahil sa galing nila at quality ng mga songs nila.;)



GOGOGO ROCKSTAR/ARKASIA...





--
November 19, 2010 at 6:48 AM Flag Quote & Reply

Rodel
Administrator
Posts: 24

Nag start to kay Edmund Rampola school mate ni Paul and Hassel.  Si Tony Sanmillan yung unang nakilala ko nung high school ako.  Si Edmund dahil ka batch and best friend ko yung kapatid nya na si Erwin nagkakilala kami ng kuya nya (edmund).  Then si Edmund kabarkada si Tony din kaya yun medyo nagkaroon kami ng mga jamming noon hanggat yung prom namin binuo ni Edmund yung band with Me, Tony, Lito then pinakilala samin si Paul.  Mula nun naging magkaibigan kami ni Paul then binigyan nya ako ng mga demo nya para pag aralan.  Si Allan naman isinama ni Tony sa jamming namin ni Paul, Tony at Ltio (si Edmund nagpunta na ng USA).  After nun si Paul naman pinakilala si Hassel samin.....


Si Paul unang nag recording sa band na JUKEBOX which is Olongapo based (pakinggan nyo yun) at member si Norman, dyan namin nakilala ni Allan at Hassel si Norman then dito na kami nabuo.


to be continued na lang yung kung pano kami na disband....

November 20, 2010 at 11:07 PM Flag Quote & Reply

wishing_heart
Member
Posts: 13

Salamat sir Rodel...

 

 Diba yung JUKEBOX vocalist nila dun si sir Jong Azores saka sila yung nauna nag record na kanta na Giliw?Na isinama sa album nyo na Arkasia?

 

Sarap talaga balikan ng era na yun sobrang rakenroll....

November 21, 2010 at 4:22 AM Flag Quote & Reply

wishing_heart
Member
Posts: 13

Sige sir antayin ko dito yung continuation ng istorya ng band..

Masarap kasi magbasa ng istorya ng mahal namin grupo..

 

Saka sir mukhang malaki na pag-asa namin mabuo ang grupo uli

kasi medjo nagpapahaba kana ng buhok..

Para gunitain ang HAIRBAND days era..hehe

November 21, 2010 at 4:28 AM Flag Quote & Reply

Alex Badion
Member
Posts: 3


Part ng isang tunay na members ng banda sarap tingnan ng mga imahe na matagal na nating inaantay na mab-balik..dumating na sana oras na yon..thanks Guys in advance..


November 22, 2010 at 9:05 PM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

Magpapahaba na rin ako ng buhok kahit bawal.... para may maiwagayway sa reunion concert hehehehehehe... GOD BLESS ALL FANS AND MEMBERS OF ROCKSTAR/ARKASIA....

--
November 22, 2010 at 9:23 PM Flag Quote & Reply

ROBIN
Member
Posts: 2

i hope matuloy reunion nyo rockstar/arkasia uuwi talaga ako pinas pag natuloy reunion nyo !!!!! papahaba din ako buhok hehe  

November 25, 2010 at 9:41 PM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

@ROBIN, insan welcome sa site... cg ikalat mo jan sa saudi  lalo na mga piloto  ang site nating ito hehehehe... Ma'am Missy, my nabingwit na akong isa... madami daw syang kilalang fanatic ng grupo sa midle east hehehehehe MABUHAY ANG ROCKSTAR/ARKASIA..:)


--
November 25, 2010 at 10:10 PM Flag Quote & Reply

Rodel
Administrator
Posts: 24

continuation....


after ng Rockstar nagdecide kaming mag palit ng name minus Hassel na.  Si Allan ang responsible sa name na Arkasia then lahat agree sa name.  Mabilis nag gold yung "Huwag Na Sana" lyrics by Allan, music by some popular foreign composer and producer na barkada ng Del Rosario brothers ng VIVA.  Eto yung sinasabi ko na minsan hindi sa name din nagiging popular ang band pero thanks to kuya Vehnee Saturno sa break.  Mabilis nakilala yung Arkasia at alam ng mga fans na dati kaming Rockstar.  Wala kaming permanent manager by that time so kulang sa shows and everything...dumating sa point na nakakawalang gana na kasi yung year na 1996 puro solo artist na yung mabenta.  Then Norman left Philippines then Paul pursue his solo career.  So tinuloy namin ni Allan ang Arkasia with his brother and Speedy, laking Olonagpo din ata so nakasama pa namin si Speedy nung bigyan kami ng Gold Record award ng Arkasia.  The band did not work with Speedy as a singer kasi hindi talaga sya rock singer:(.   So nag decide kami ni Allan itigil ang Arkasia pero hindi kami magkaka away o whatsoever...we still remained as friends then the rest is history...

November 26, 2010 at 3:22 AM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

Ayun pala... 2x ko lng po kau napanood sir sa tv noon. yung sa ch2 ROCKSTAR pa kayu noon na top 3 ung mahal pa rin kita kasama nyo 2 bands (introvoys yata yung isa) then yung kinanta nyo yung holdin' on (with rosele nava yata)... ulyanin na hehehehe... anyway atlist anjan na po kayu ulit planning for a reunion... good luck po.. we are here to support you always sirs...


--
November 26, 2010 at 3:50 AM Flag Quote & Reply

Missy
Administrator
Posts: 19

Marami pong salamat sa inyong lahat for keeping this board intact at sa inyong mga panahon, maraming salamat po. - Missy

--
November 27, 2010 at 10:52 PM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

weeeeeee.... super busy talaga mga tao... pero di dapat mag-umpisa work till madaanan ang site hehehehehe


--
November 29, 2010 at 11:25 PM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

curious lng po ako... tanong ko lng po sa admin kung talagang di na po kasama si sir hassel sa group... tanong lang po... sana walang violent reaction...;)

--
November 30, 2010 at 8:30 PM Flag Quote & Reply

Nervii
Member
Posts: 36

bong?

sino nagrevive ng HUWAG NA SANA?

kakamiz ang grupo.

December 6, 2010 at 4:53 PM Flag Quote & Reply

Bhong
Member
Posts: 67

@ner, 

try mo search sa youtube yung mark bautista eternelly... english version na sya then my dagdag na effects...:)

--
December 6, 2010 at 7:23 PM Flag Quote & Reply

You must login to post.